.comment-link {margin-left:.6em;}

Read without any anticipation of laugher but seriously, then die laughing without missing the point or wisdom (?!..).

Wednesday, March 09, 2005

KAYA MO PA BA?

Sadya atang kay daming problema ng tao sa mundo
Kaya’t tayong lahat lubhang nagkakagulo
Hindi mawarian solusyon sa Problema
Ang bansang PILIPINAS ay di naiiba.

Ang ating bansa ay nalilibing na sa hirap
Hilig kasi ng mga pinoy ay puro sarap.
Sana naman tayong lahat ay mamulat
Sa katotohanan – ay di puro pangarap.

Ang mga utak ng tao, iisa ang takbo
Puro mga silaw sa pera at bisyo.
Ito ang dahilan ng patayan at nakawan
Bawat isa ayaw malamangan.

Kriminal at Magnanakaw nagkalat saan man
Mag-ingat ka! – sa loob man ng yong tahanan.
Bata, Matanda – sinuman di ligtas
Sa mga taong walang takot sa DIYOS at batas.

Maging ang Gobyerno nakakabuwisit at nakakalito,
Namamahala kasi, sira-ulo’t masamang pulitiko
Malapit na naman ang eleksyon, nagpapa-bango,
Mga nagbabaitan – makarami lang ng boto.

Maging ang asul na langit ay nag-kukulay itim
Sa mga kumakalat na lason at lagim.
Di malamang mga sakit na naglalabasan
Para bang ang mundo sadyang binabawasan.

Pati ang ilog nagmistulang basurahan,
Mga isda nagsisipag-lahuan
Hindi na nangatakot sa mga banta ng kalikasan
Hudyat na dala, labis na hirap at kasawian.

Lindol, Bagyo, Tsunami at Tag-tuyot
Sabayan pa ng polusyon at salot.
Solusyong hinanap parang nagtatago
Ipinag-kait ba o sadyang bulag lang tayo.

Kaya mo pa ba, kaibigan ko
Mga araw-araw na problemang dinaranas mo?
Ano na nga ba ang dapat nating gawin,
Bago tayong lahat, tuluyang balutan ng lagim.

AAD
(Sagot ni Pilosopo Tasyo: Mag-abroad ???!!! hehehe..)